NAGPALIWANAG si TNT deputy Josh Reyes kung bakit piniling i-freeze ni head coach Chot Reyes si Bol Bol sa isang quarter ng laro laban sa Meralco Bolts.
Ayon kay Josh, nagkaroon ng problema sa tiyan si Bol Bol at hindi nakapag-practice noong Lunes bago ang laro.
Ani Josh, nadamay rin ang mga lokal na manlalaro sa mababang enerhiya ni Bol, dahilan kung bakit piniling i-bench siya mula 7:16 ng third quarter habang ang TNT ay 48-66 na lamang laban sa Meralco.
Pinangunahan nina Jordan Heading, Justin Chua, at Glenn Khobuntin ang TNT sa final quarter habang unti-unting binawasan ang 20-point deficit hanggang 84-98 na lamang.
Dito na ibinalik si Bol sa laro para makatulong sa comeback attempt.
Sa kanyang pagbabalik, pinangunahan ni Bol ang isang 11-0 run na nagpaliit sa kalamangan ng Meralco sa 107-105 sa huling minuto.
Nguni’t napanatili ng Meralco ang kalamangan at nakamit ang kanilang ika-apat na panalo sa limang laro.
Natapos ni Bol Bol ang laro na may 28 puntos at 12 rebounds, pinakamababang output niya sa PBA ngayong season.
Bagama’t pumalya siya sa pitong free throws, nakapagtala siya ng apat na block shots na nakatulong sa pagtataguyod ng Tropang 5G sa kanilang laban.

Share.