Isang bagong Pinay ang nagpasiklab sa “Britain’s Got Talent” matapos makuha ang apat na “yes” mula sa mga hurado sa kanyang audition.
Si Kristel Herrera, 32-anyos mula Sampaloc, Manila at kasalukuyang nakabase sa Halifax, West Yorkshire, ay nagpahanga sa mga judge at audience sa kanyang rendition ng “Run to You” ni Whitney Houston.
Agad siyang binigyan ng standing ovation ng mga hurado na sina KSI, Amanda Holden, Alesha Dixon, at Stacey Solomon.
Ani KSI: “That was unbelievable. Your husband must be over the moon being able to hear that every day of his life.”
Samantala, sabi ni Amanda Holden: “I am blown away by that entire performance. What I’m finding extraordinary is how sort of little and shrunk you are, but when you sang, you turned into a complete diva, baby!”
Matatandaang sumali si Kristel sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” noong panahon ng pandemya.
Naging viral din siya nang mag-propose sa kanya ang partner na si Joshua Mumby sa live episode ng Kapamilya noontime show.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

