Itinaas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa P4,000 ang subsidiya sa mga tsuper sa ilalim ng libreng sakay program mula sa dating P3,500, kasunod ng panibagong pagtaas ng presyo ng diesel nitong Martes.
Ipinatupad ang programa sa ilalim ng Executive Order No. 14, kung saan sinasagot ng lokal na pamahalaan ang arawang kita ng mga kalahok na tsuper at operator habang libre ang pamasahe ng mga pasahero.
Layunin ng programa na matulungan ang sektor ng transportasyon sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa Middle East.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, umabot na sa 43,043 pasahero ang naserbisyuhan ng 1,043 aktibong jeepney hanggang alas-10 ng umaga nitong Martes.
“Makakaraos din po tayo, mga Batang Maynila mula sa krisis na ito. Sa ating pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa’t isa ay makakaalpas din tayo dito,” ani Domagoso sa isang Facebook post.
====
Trending
- Alyssa Valdez nanawagan ng pagkakaisa sa PH volleyball
- Obiena sumungkit ng pilak sa pole vault sa Eurowings Flight Circus
- Thalia, nagluluksa sa mga quake victims
- Bimby at Ryzza Mae, ginu-groom bilang bagong AlDub
- Ex ni Pampi, BFF ni Iwa
- Mga retiradong heneral kinondena Chinese platform sa Bajo de Masinloc
- 209 flood control complaints iniimbestigahan
- DOST-PAGASA, inilunsad interactive weather app

