Bago maging sikat na singer-songwriter, pinagdaanan din ni Luke Mejares ang hirap ng buhay nang nagsisimula pa lang siya sa kanyang karera.
Ikinuwento ni Luke kung paano siya nagtipid habang inaabot ang kanyang pangarap.
Ibinahagi niya na bilang taga-probinsya ay maraming naging pangako sa kanya bago makipagsapalaran sa Metro Manila.
Kabilang aniya rito ang pangakong mayroon siyang matutuluyang bahay at magagamit na sasakyan para makapunta sa mga gig o maki-jam, pero kalaunan ay binawi naman ito.
Kaya naman, pinili niyang makitira muna sa kanyang kaibigan na kapwa niya taga-Cebua.
“Nakitira una ako sa kaibigan ko na taga-Cebu na nag-artista rin. Si Kenneth Anzano. Salamat kay bai… Nakitira ako sa kanya, doon kami sa underground na parang bodega,” kuwento ni Luke.
“So ‘yung isang local corned beef, ‘yung maliit na Argentina, talagang dalawang meals ‘yan. Paghatian namin ‘yan tapos maraming rice na,” dagdag pa niya.
Maski umano ang kanyang pagpunta sa mga gig ay nagpapalibre na lang siya sa mga kilala niyang mga tricycle driver o kaya naman sasabay sa mga kakilala niyang may sasakyan.
Nagkaroon naman ng diskarte si Luke na “tissue paper strategy”, kung saan magpapakilala siyang kaibigan para i-request ang sarili na makasama siyang kumanta sa bar para magkaroon ng koneksyon sa iba pang singer.
Si Luke ay dating miyembro ng South Border at naging bokalista ng banda noong 1998, at ipinagpatuloy naman ang solo career noong 2002.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

