Tiklo ang dalawang katao na sangkot sa iligal na prostitution services ng isang massage Spa, sa pagsalakay ng mga otoridad sa Quezon City, noong Biyernes.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), dinakip sina alyas “Eugenio”, 34, may-ari ng Spa, ng Barangay Pinyahan, Quezon City; at alyas “Matilani, 39, kahera.
Nabatid na, 11:30 ng gabi ng Marso 27, nang magpanggap na kliyente ang isa sa mga operatiba sa Spa na matatagpuan sa Kamias St., Brgy. Pinyahan, kaugnay sa impormasyon na sa halagang P3,000 hanggang P7,000 ay maaaring makatalik ang masahista.
Ayon kay P/Lt. Darryl Manago, hepe ng General Assignment Section (GAS) ng QCPD, positibong nakakuha ang pulis na nakasuot sibilyan ng isang masahista para sa extra service, kaya sinalakay na ang establisyemento na nagresulta sa pagdakip sa dalawa.
Nahaharap na sa reklamong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) na inamyendahan ng RA 10364 at RA 11862 ang mga suspek.
Trending
- LeBron napapaligiran ng higante sa Sixers
- Obiena sumungkit ng silver sa Germany
- Matet, naging rason ng traffic, nag-sorry
- New manager ni Bea, ‘di naniniwala sa kontrata, handang mapalitan ng iba
- Malu Barry, cancer-free na
- VP Sara nagpiyansa, nanganganib umano ang buhay
- DMW: Pinoy seafarer puwedeng tumanggi sa mapanganib na paglalayag
- DPWH nagbabala laban sa pekeng website

