Iniintriga ngayon si Enrique Gil at tinatanong ng mga netizen kung totoo ang tsikang nabuntis daw nito ang batang girlfriend nito.
Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz tinalakay ang isyu kay Enrique Gil at Andrea Brown na nababalitang girlfriend nito.
Ayon kay Ogie, nagsimula lamang ang intriga sa isang blind item kung saan sinasabi na isang aktor ang nakipag-live in sa kanyang girlfriend na umano’y nabuntis pero nagpa “Sunshine” or nagpalaglag dahil hindi pa raw ito ready.
“Si Andrea Brown at Enrique eh (ang tinutukoy ng blind item). Siyempre nakarating din sa akin iyon pero hindi naman agad dapat paniniwalaan. Siyempre dapat bigyan ng benefit of the doubt ang mga pinatutungkulan kaya minessage ko si Andrea,” ani Ogie.
“Sabi ni Andrea, hindi raw totoo na siya ay nabuntis at nagpa-sunshine. Hindi raw din totoo na sila ni Quen. Kuya Quen ang tawag niya kay Quen. Hindi rin daw totoo na sila ay nagli-live in.
Nahihiya raw siya kay Quen kasi kuya-kuyahan niya si Quen. Gusto raw ngang magsalita ni Andrea tungkol sa isyu pero ayaw naman nitong lalo pang palakihin ang isyu.
“So far nadadamay na rin po ang personal life ko sa rumors. Kahit sabihin ko sa sarili ko na as long as alam ko ang totoo of course naaapektuhan din po yung career ni Kuya Quen at nakakahiya din po sa kanya kasi hindi naman po kami super close,” kuwento pa ni Ogie.
Wala namang naging pahayag ang kampo ni Enrique.

Share.