Hindi na yata mapaghiwalay sina Jake Cuenca, Rabiya Mateo, oh! Simula noong makita sila na magkasama sa isang restoran, heto at nagsunod-sunod na ang mga sightings na sila ang magkasama.
Recently nga ay magkasama silang nag-attend sa birthday party ng child star na si Sienna Stevens. Ang cute nga, dahil para na talaga silang mag-asawa at anak nila si Sienna, ha!
At kung titingnan mo ang mga photo na magkasama sina Rabiya, Jake parang nag-transform nga ang mga itsura nila, na bigla silang nagmukhang mga teenager, dahil obyus ang kaligayahan sa mga mukha nila.
Ibang-iba nga ang mga ngiti sa mukha nila, ha! Na parang sinasabi nga nila na nasa stage sila ng mga buhay nila na masayang-masaya talaga sila.
Kaya naman, heto nga ang chika ng mga netizen kina Rabiya, Jake.
“Naku, iba ang smile ni Jake ngayon. Hindi na siya malungkot oh. Si Rabiya na talaga ang source of happiness niya.”
“Naku, sana sina Rabiya at Jake na ang magkatuluyan. I think, bagay silang dalawa. Nagbibigay sila ng positive outlook sa isa’t isa.”
“Please, huwag kayong maghihiwalay. Dapat hanggang dulo kayo na.”
“Ang saya nila ngayong tingnan. Obyus na in love sina Rabiya at Jake.
“Ang gaan ng aura nila. Sana sila na talaga ang magkatuluyan.”
“Very positive ang dating nila. At least, wala silang nasasagasaan, ha!”
“Sa totoo lang, bagay sina Jake at Rabiya, ha! For sure, kasalan na ang kasunod.”

Share.