Sinimulan ng Indonesia nitong Sabado ang pagpapatupad ng pagbabawal sa paggamit ng social media para sa mga batang wala pang disisais taong gulang.
Ang hakbang ay kasunod ng babala ng Communications Minister Meutya Hafid na “walang puwang para sa kompromiso” sa pagsunod ng mga digital platform.
Ang regulasyon ay inilunsad ngayong buwan bilang tugon sa mga banta ng online na pornograpiya, cyberbullying, at pagkakalulong sa internet, na kinikilala bilang lumalaking pandaigdigang alalahanin sa epekto ng social media sa kalusugan at kapakanan ng kabataan.
Ang mga platform na X at Bigo Live ay agad na sumunod sa bagong regulasyon at inangkop ang minimum na edad ng gumagamit.
Hinimok ng ministeryo ang iba pang kumpanya na “agad na iayon” ang kanilang mga produkto at serbisyo sa batas.
Nagpahayag ang TikTok ng pagtupad sa regulasyon, kabilang ang mga hakbang para sa mga account ng wala pang 16 taong gulang.
Ang polisiya ng Indonesia ay sumusunod sa katulad na hakbang ng Australia noong Disyembre.
Sa Los Angeles, isang hurado ang nag-utos sa Meta at YouTube na magbayad ng six milyon dollars matapos mapatunayang nakapinsala sa isang kabataang babae dahil sa “nakakaadik na disenyo” ng kanilang mga platform.
Sa Britanya, bumoto ang mataas na kapulungan ng parlyamento pabor sa pagbabawal ng social media para sa mga bata, na nagdaragdag ng presyon sa pamahalaan.
Ang hakbang ng Indonesia ay nakikita bilang bahagi ng mas malawak na pandaigdigang pagkilos upang tugunan ang mga panganib ng social media sa kabataan.
Sa Pilipinas, maraming nakahain na panukalang batas pero hindi ito ipinaprayoridad dahil abala sila sa kasong may kaugnayan sa katiwalian at isyung pampulitika.
Trending
- Mayweather vs Pacquiao : $300 milyon!
- Yemen: Bagong Front sa Iran-Israel-US war
- BATA BAWAL SA SOCIAL MEDIA
- Rematch kay Mayweather ni Pacman, huli na?
- Pag-expand sa Seattle at Las Vegas, aprub
- Yeng Guiao pinuri ang Elasto Painters
- Jia de Guzman, naghain ng papuri para sa pagpapabuti ng kapakanan ng atleta
- Echo, magiging lolo na?

