Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang dayuhan na sangkot sa illegal lending scheme kung saan kinukumpiska ang passport ng kapwa Indian nationals bilang kolateral.
Ayon sa NBI, umabot sa grave coercion ang kaso matapos umano’y pagbantaan at takutin ang mga biktimang Indian national kapag hindi nakabayad, kabilang ang pananakot na sirain ang passport, saktan ang biktima, at idamay pa ang kanilang pamilya.
Sinabi ni NBI spokesperson Palmer Mallari na hindi ito isolated case at dati na ring may mga reklamong magkakaparehong modus mula sa mga dayuhan laban sa kapwa nila dayuhan.
Dagdag pa niya, bagama’t suspended ang usury law at maaaring magkasundo ang magkabilang panig sa interes, malinaw na ilegal ang pananakot at paggamit ng dahas sa paniningil ng utang.
Kasabay nito, patuloy ang koordinasyon ng NBI sa Bureau of Immigration upang beripikahin ang immigration status ng mga suspek at tukuyin kung may iba pa silang paglabag sa batas.
“Ina-advise po namin ang publiko na dumulog sa legitimate financing institutions at iwasan ang ‘5-6’ dahil sa napakataas na interes,” dagdag ni Mallari.
Ayon sa biktimang si Ajith, kinuha ng mga suspek ang kanyang passport at humingi ng P200,000 para ibalik ito.
“They threatened to tear it in front of me… They said they can enter my house, disable my CCTV, and even harm my family if I don’t pay,” dagdag niya.
Sabi naman ng kapwa estudyanteng Indian national na si Mahesh, lumobo sa P3 million ang utang niyang P400,000 sa loob lang ng 6-8 na buwan.
“We were threatened that our lives are not guaranteed if we don’t pay,” sabi niya pa.
Pero hanggang sa ngayon may takot pa ring nadaramdaman ang biktima.
“We are asking for protection because even now, we are still afraid of their associates,” dagdag ni Mahesh
Patuloy ang paalala ng NBI sa publiko—lokal man o dayuhan—na umiwas sa illegal lending schemes at agad magsumbong sa awtoridad sa oras na makaranas ng pananakot o pang-aabuso.
“Walang problema sa paniningil ng utang, pero ang tamang remedy ay mag-file ng kaso sa korte—hindi manakot, manakit, o magbanta,” ani Mallari.
“Kung may pagbabanta gaya ng pananakit o pananakot sa passport, dapat po itong i-report agad sa law enforcement para maimbestigahan.”
Trending
- Rematch kay Mayweather ni Pacman, huli na?
- Pag-expand sa Seattle at Las Vegas, aprub
- Yeng Guiao pinuri ang Elasto Painters
- Jia de Guzman, naghain ng papuri para sa pagpapabuti ng kapakanan ng atleta
- Echo, magiging lolo na?
- Kris at Dong, may nilulutong raket
- Kim, kinabog sina Juday at Kathryn sa Primetime Queen title
- 2 Indian medical students huli sa ‘pautang’ scheme

