Umingay sa social media ang pangalan ni Alvin Aragon matapos ang kanyang matapang na pahayag laban kay Boy Abunda na agad umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.
Sa kanyang post, diretsahan niyang kinuwestiyon ang pananatili ni Boy sa telebisyon, iginiit na hindi umano tama ang mga mensaheng naipapasa sa publiko—lalo na sa usapin ng pagtanggap sa LGBTQ+ community.
“Ang King of Talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show,” pahayag niya.
“Kasi he uses, they uses [use]this platform to encouraged [encourage]and influenced [influence]Filipino people especially Filipino parents. Gusto nila palabasin na Ok lang, na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer,” sey ni Alvin.
Hindi lang doon natapos ang kanyang saloobin dahil idiniin din niya ang kanyang paniniwalang laban ito sa kanyang pananampalataya.
“Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus,” dagdag pa niya.
Dahil dito, bumuhos ang kritisismo mula sa maraming netizens na hindi sang-ayon sa kanyang pananaw, habang ang iba naman ay ipinagtanggol ang kanyang karapatang magpahayag.
May mga nakapansin din na tila nabawasan o nawala ang ilang komentong kumokontra sa kanyang post.
Sa ngayon, inaabangan kung magbibigay ng reaksyon si Boy.

Share.