SA katwirang magkadugtong ang edukasyon at paghahanap ng trabaho, isang panukalang batas na nagsusulong na gawing libre na ang pagkuha ng mga academic records ng mga graduates ang inihain sa Kamara ni Ilocos Norte art House Majority Leader Sandro Marcos.
Nakapaloob din sa House Bill (HB) No. 8701, o Academic and Labor Pathways Assistance for Students (ALPAS) Act na inakda ni Marcos na magkaroon ang mga unibersidad ng digital systems upang maging mabilis ang pagkuha ng mga dokumento ng mga graduates.
“Taken together, these provisions highlight the importance of ensuring that graduates are able to transition effectively from education to the workforce,” ani Marcos.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng higher education institutions, public man o private, ay may mandato na magbigay ng libreng employment application documents sa kanilang mga graduates kabilang dito ang transcripts of records, diplomas at ncertificates of graduation.
“For many graduates, the journey towards employment begins with completing documentary requirements for job applications. Yet obtaining multiple copies of these documents can involve additional costs and time-consuming procedures,” ani Marcos.
Sa oras na maisabatas ang mga graduate ay makakakuha na ng 5 kopya ng kanilang transcript of records o certificate of graduation at certified true copies ng diploma. Hindi lamang isang beses maaaring kumuha nito dahiil kung kakailanganin pa ang dokumento ay maari pang kumuha ng libreng kopya a loob ng susunud na 12 buwan mula nang grumaduate.
Inaaatasan din ang mga higher education institutions na magkaroon sila ng digital academic records system upang mas mabiliis ang pagrequest sa mga dokumento at maari itong ibigay sa mga esturyante sa online.
Umaasa si Marcos na agad maisasabatas ang panukala upang makatulong sa mga graduates na agad makakuha ng trabaho.

Share.