Pumanaw na ang kilalang martial artist at action star na si Chuck Norris sa edad na 86 noong Huwebes, ayon sa kanyang pamilya.
Inilarawan ang kanyang pagpanaw bilang “sudden passing” at sinabing kasama niya ang pamilya at payapa siya sa kanyang huling sandali.
Bago sumikat sa pelikula at telebisyon, naging matagumpay si Norris sa martial arts bilang anim na beses na undefeated World Professional Middleweight Karate champion. Itinatag din niya ang Chun Kuk Do at ang United Fighting Arts Federation.
Nagsimula siyang umarte noong 1968 at nakilala sa pelikulang Return of the Dragon kasama si Bruce Lee. Lumabas din siya sa mga pelikulang Missing in Action, The Delta Force, at Sidekicks.
Sumikat siya lalo sa TV series na Walker, Texas Ranger na tumagal ng siyam na season. Nakilala siya bilang simbolo ng “tough guy” at naging bahagi rin ng internet memes na tinawag na “Chuck Norris Facts.”
Bukod sa pag-arte, nagsulat din siya ng mga libro at sinuportahan ang iba’t ibang adbokasiya, kabilang ang pagtuturo ng martial arts sa kabataan.
Iniwan niya ang limang anak at ang kanyang asawa. Nitong mga nakaraang taon, paminsan-minsan na lamang siyang lumalabas sa pelikula.
Trending
- Chuck Norris, pumanaw @ 86
- AC Bonifacio single na
- RIDER TINAMBANGAN NG MOTOR- IN-TANDEM
- 18 ‘ex-Marines’ sinampahan ng cyber libel ni Trillanes
- 18 ‘ex-Marines’ sinampahan ng cyber libel ni Trillanes
- 2 pelikula ni Vice, pasok sa Ph-Japan filmfest
- Ellie, isa sa delegate sa UN conference sa Singapore
- KOTOBERONG SIGA ARESTADO, BARIL KUMPISKADO

