Kinumpirma ng dancer-actress na si AC Bonifacio na wala na sila ng aktor na si Harvey Bautista, matapos aminin ang kanyang current relationship status sa isang podcast.
Sa panayam sa “Painfully Human Podcast” kasama si Edward Barber noong Marso 20, naging bukas si AC sa pagbabahagi ng kanyang pinagdaanan sa pag-ibig, kabilang na ang breakup.
Sa gitna ng usapan, diretsahan niyang inamin na single siya ngayon.
“Is there a time when you are not dating? Hmm… now,” ani AC, sabay tawa. “That is the first time I’m saying that anywhere.”
Ibinahagi rin ni AC na dumaan siya sa isang “traumatizing relationship” kaya minsan ay pinili niyang huwag munang makipag-date.
“I came from a very traumatizing relationship… I don’t trust any man,” ani niya.
Sa naturang podcast, lumutang din ang papel ni Edward sa kanyang buhay, na nagsilbing “kuya” figure lalo na sa panahon ng kanyang heartbreak.
Ayon kay Edward, isa sa mga pinaka-tumatak na alaala niya ay nang humingi ng payo si AC tungkol sa isang lalaki.
“That was genuinely my first ever ‘kuya moment.’ I felt protective,” aniya.
Ikinuwento rin niya ang emosyonal na tawag ni AC sa kanya sa gitna ng pinagdadaanan nito.
“You came and you called me… there’s a little tear,” ani Edward.
“Very hard,” pag-amin ni AC, na sinabing umiiyak siya habang kausap ang aktor.
Sa kabila nito, pinuri ni Edward ang maturity ni AC sa pagharap sa sitwasyon.
“I’m proud of you… it was because of the maturity of how you handled making your own decisions,” saad niya.
Sa ngayon, nananatiling tikom si AC sa detalye ng kanilang hiwalayan ni Harvey.
Matatandaang naging sentro ng kontrobersya ang dalawa noong Abril ng nakaraang taon sa loob ng Pinoy Big Brother house, kung saan hinarap ni AC ang matinding online backlash at maging death threats—na noon ay ipinagtanggol ni Harvey.
Trending
- Chuck Norris, pumanaw @ 86
- AC Bonifacio single na
- RIDER TINAMBANGAN NG MOTOR- IN-TANDEM
- 18 ‘ex-Marines’ sinampahan ng cyber libel ni Trillanes
- 18 ‘ex-Marines’ sinampahan ng cyber libel ni Trillanes
- 2 pelikula ni Vice, pasok sa Ph-Japan filmfest
- Ellie, isa sa delegate sa UN conference sa Singapore
- KOTOBERONG SIGA ARESTADO, BARIL KUMPISKADO

