Ngayon lang nangyaring dalawang pelikula ng isang bida ang pasok sa isang international film festival.
Ganito nga kasuwerte ni Vice Ganda dahil ang kanyang magkasunod na MMFF entry na And The Breadwinner Is at Call Me Mother ay pasok sa unang edisyon ng Philippines-Japan Film Festival 2026 sa Tokyo.
Bale ba, first time din ng TV host-comedian na lumahok sa nasabing event.
Obyus na galak na galak ang Phenomenal Star.
Sey ni Vice Ganda who feels over the moon: “Nasorpresa ako! Akala ko, isa lang ‘yung entry ko, dalawa pa…nakakatuwa!”
Bet nga niya na magsilbing daan ang naturang filmfest para ipakilala ang mga kuwentong Pinoy at kultura to a larger audience in Japan.
Magandang oportunidad daw ito para masaksihan ng ibang lahi ang Pinoy movies–lalo’t global ang direksyon ng lokal na filmmaking.
Maraming kaalaman daw ang idudulot nito tungkol sa ating mga Pilipino.
Between the two, alin kaya ang mas magugustuhan ng ibang lahi?
Ang Call Me Mother kaya kesa sa And The Breadwinner Is dahil doon naging Best Actor si Vice Ganda sa MMFF 2025?
Trending
- Chuck Norris, pumanaw @ 86
- AC Bonifacio single na
- RIDER TINAMBANGAN NG MOTOR- IN-TANDEM
- 18 ‘ex-Marines’ sinampahan ng cyber libel ni Trillanes
- 18 ‘ex-Marines’ sinampahan ng cyber libel ni Trillanes
- 2 pelikula ni Vice, pasok sa Ph-Japan filmfest
- Ellie, isa sa delegate sa UN conference sa Singapore
- KOTOBERONG SIGA ARESTADO, BARIL KUMPISKADO

