Nagsalita na si AJ Raval ukol sa kumakalat na balitang umano’y pinakiusapan ng kanyang amang si Jeric Raval si Kylie Padilla na mag-file ng annulment.
Ayon sa aktres, walang katotohanan ang naturang isyu at hindi kailanman makikialam ang kanyang ama sa ganitong sensitibong usapin.
Giit niya, hindi ugali ni Jeric ang makisangkot sa personal na buhay ng iba, lalo na kung may kinalaman sa relasyon.
“Fake news. 100%. My father would never mention a name. He’s too old to be involved in something like this,” pahayag ng aktres.
Nilinaw rin ni AJ na maayos ang samahan nila ni Kylie at walang namumuong alitan sa pagitan nila.
“Walang nag-aaway. We’re all at peace,” aniya.
Sa gitna ng intriga, hindi na rin niya pinatulan ang mga bashers at hinayaan na lang ang mga ito.
“Hate us all you want. Continue spreading lies… It doesn’t matter anymore,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ng aktres na mas mahalaga ang tunay na nangyayari sa loob ng kanilang tahanan kaysa sa nakikita ng publiko.
“What’s important is what’s happening inside our home, not what you see from the outside,” sey nito.
Sa huli, pinili niyang magbigay ng positibong mensahe sa kabila ng mga batikos.
“Walang beef sa loob. Walang nag-aaway at bati lahat. Let’s start the day fresh and focus on positivity instead of negativity. God bless you all,” saad ni AJ.
Matatandaang naugnay si AJ sa ex-husband ni Kylie na si Aljur Abrenica, na siyang naging ugat ng ilang isyung patuloy na binabalikan ng netizens.

Share.