Binahagi ni rising boxer Eman Bacosa Pacquiao ang estado ng relasyon nila ni Jillian Ward, pero nanliligaw na nga ba siya sa aktres?
Sa gitna ng matagal nang intriga sa kanilang dalawa, diretsahang sinabi ni Eman na wala siyang ibang iniisip sa ngayon kundi ang kanyang karera at pamilya.
“Right now, naka-focus lang ako sa boxing ko at sa pamilya ko,” ani Eman sa isang panayam.
Dagdag pa niya, “good friend” ang turing niya kay Jillian, sabay iwas sa detalye nang tanungin kung may panliligaw na nagaganap.
“Secret,” maikling sagot ng binatang boksingero.
Sa kabila ng pagpasok sa endorsements at showbiz, malinaw daw kay Eman na boxing ang kanyang prayoridad.
“My priority right now is professional boxing… ‘yung sa show business ay kapag wala pa akong laban,” paliwanag niya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan sa unang sabak sa pag-arte, kung saan aminado siyang kinabahan.
Trending
- Coco, Julia liwaliw sa Spain
- Kylie Padilla pinagpa-file ng annulment?
- Eman Pacquiao, Jillian : ‘Good friend’ lang
- Radio announcer, binaril-patay sa harap ng bahay
- Malaysian huli sa P102M shabu
- Dating kagawad sinaksak-patay sa loob ng KTV bar
- Anjo, lumantad na sa publiko!
- Bimby, nagte-training sa mixed martial arts

