Timbog sa isinagawang interdiction operation ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang babaeng Malaysian national nang mahulihan ng mahigit P102 milyong halaga ng shabu sa NAIA Terminal 1 Biyernes ng madaling araw, Marso 20.
Kiniala ang nadakip na si Nur Fatihah Binti Ahmad Hamdan, Malaysian national, 27, walang asawa at isang saleslady.
Sa report ng IADITG, naganap ang pgdakip sa suspek 12:47 ng madaling araw sa Secondary Inspection Area, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 1, Pasay City.
Nabatid na pasahero ang suspek ng isang paparating na eroplano lulan ng Malaysian Airlines Flight MH0804 galing ng Kuala Lumpur.
Natiktikan ng mga awtoridad si Hamdan kung kaya’t paglabas nito ng eroplano ay binuksan ang dalawang kahon na bagahe ng suspek na parehong naglalaman ng tig-15 chopping board na gawa sa kahoy kung saan nakapaloob sa bawat isa nito ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15,024 gramo o mahigit 15 kilo na nagkakahalaga ng P102,163,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Share.