Naiyak ang singer at aktres na si Jessa Zaragoza dahil sa hindi inaasahang kasal na inihanda ng kanyang asawang si Dingdong Avanzado bilang selebrasyon sa kanilang silver anniversary.
Ayon sa ulat, masaya at teary-eyed si Jessa sa surprise wedding ng kanyang asawa.
Sa video na kumalat sa social media, makikitang nakangiting pumasok na may hawak na mikropono si Jessa matapos tawagin ang kanyang pangalan.
Tila inakala ni Jessa na aawit siya sa venue nguni’t nagulat at naiyak na siya nang masilayan ang kanyang paligid.
Lalo pang naging emosyonal ang singer dahil sa makabagbag damdamin na kanta sa venue.
Present sa okasyon ang nag-iisa nilang anak na si Jayda, na nasaksihan ang tuwa ng kanyang ina.
Ginanap ang selebrasyon sa The Atrium at Enderun sa Taguig, kung saan si Dingdong mismo ang nag-organize upang maging mas memorable ang okasyon.
Ikinasal sina Jessa at Dingdong noong Marso 18, 2001 sa Christ the King Church sa Quezon City
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

