Bata pa lang daw ay sinasabihan na si Yasser Marta na kahawig siya ni Jesus Christ, kaya dream come true daw na gumanap siya bilang si Hesus sa street play na Siete Palabras sa Angeles City, Pampanga sa April 1.
Nasa cast din ang maraming mag-aaral o mga stage actors din.
Yasser admits to seeing himself in the kids noong nagsisimula pa lang daw siya.
At dahil nga marami ang nagsasabing he looks like Jesus kaya para sa kanya’y nagkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap.
Sana lang daw ay mabigyan ni Yasser ng hustisya ang pagganap niya.
Magta-topless din ang aktor.
“Kasi papaluin nila ako sa likod,” ani Yasser tungkol sa pagpapahirap kay Jesus on the way to Mt. Calvary.
Balbon siya, will he play the role clean-shaven?
Wala daw ahit-ahit–it will come out as raw as possible.
Inamin ni Yasser na honorarium lang ang bayad sa kanya–which he doesn’t mind.
“Parang tulong ko na dito ito at para sa church,” sabi pa niya of the street play with an expected audience of 20,000 to 30,000.

Share.