Natupok ng apoy ang hilera ng mga bahay malapit sa may Zapote Market sa Barangay Zapote Dos sa Bacoor City, Cavite.
Ayon sa Bureau of Fire Protection- Bacoor, sumiklab ang sunog 4:30, Huwebes ng hapon na mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma makalipas ang 40 minuto.
Sa laki ng sunog, nadamay din ang barangay hall at ilang mga tindahan sa lugar.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog na naapula, alas otso ng gabi.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog at kung ilang pamilya ang naapektuhan.
Trending
- LeBron napapaligiran ng higante sa Sixers
- Obiena sumungkit ng silver sa Germany
- Matet, naging rason ng traffic, nag-sorry
- New manager ni Bea, ‘di naniniwala sa kontrata, handang mapalitan ng iba
- Malu Barry, cancer-free na
- VP Sara nagpiyansa, nanganganib umano ang buhay
- DMW: Pinoy seafarer puwedeng tumanggi sa mapanganib na paglalayag
- DPWH nagbabala laban sa pekeng website

