Na-tow ang isang emergency vehicle ng mga rescue volunteer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil ilegal umanong nakaparada sa Moriones, Tondo, Maynila.
Ayon kay MMDA Special Operations Group-Strike Force head Gabriel Go nitong Biyernes, iniwang nakaparada sa Mabuhay Lane malapit sa kanto, na paglabag umano sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code, ang naturang sasakyan.
Lumagpas din umano sa itinakdang oras ang sasakyan at wala ring driver o personnel na nagpakita, dahilan upang ituring ito na unattended vehicle at isailalim sa towing operation.
Nilinaw ni Go na bagama’t kinikilala at pinahahalagahan ang kontribusyon ng mga volunteer rescue groups, hindi nangangahulugan na exempted ang kanilang mga sasakyan sa umiiral na batas-trapiko, lalo na kung hindi naman ito aktuwal na rumeresponde sa emergency.
“Ang tamang tawag is not exempted, but courtesy is given especially attending to emergencies and during/on duty,” aniya matapos umani ng negatibong reaksyon ang pag-tow ng ahensya.
Paliwanag pa niya, maaaring magbigay ng courtesy sa mga emergency vehicle kung ito ay on duty, ngunit sa mga pagkakataong hindi ito ginagamit sa operasyon, kinakailangan pa rin sumunod sa mga regulasyon sa kalsada.
Binigyang-diin din ng opisyal na walang probisyon sa batas na nagbabawal sa pag-isyu ng ticket o pag-tow ng mga emergency o rescue vehicle kung ito ay lumalabag sa traffic rules.
Samantala, umapela si Go sa publiko kabilang na ang mga volunteer na maging responsable sa paggamit ng kalsada.
“I’m not new sa mga rescue volunteers, in fact, I’m part of it as I personally fully support such volunteerism pero kailangan din nating ilagay sa tama and not use it as an entitlement to go above other people,” aniya.
“We all have our due responsibility and we cannot neglect that. In fact, we should be more responsible for our actions in public,” giit pa ni Go.