“Ipataw ang buwis sa super tubo ng kartel, hindi sa sikmura ng taumbayan.”
Ito ang iginiit ni House deputy minority leader at ACT Teacher Teacher party-list Rep. Antonio Tinio dahil mas lumaki pa nang husto ang aniya’y kikitain ng oil cartel dahil sa tensyon sa Gulf Region.
Ayon sa mambabatas, ibinebenta ng oil cartel sa mahal na presyo ng kanilang stock kahit nabili nila ito bago sumiklab ang giyera sa Iran noong Pebrero 28, 2026 kaya tatabo ang mga ito ng karagdagang tubo.
Ito ang tinatawag aniya na “windfall profit” na siya umanong dapat patawan ng buwis at hindi ang mamamayan na wala namang kinalaman sa giyera subali’t sila ang pinagdudusa ng gobyerno.
Hindi nagbigay na datos si Tinio kung kung magkano ang dagdag na tubo ng mga kumpanya ng langis partikular na ang tinaguriang Big 3 o ang Shell, Chevron at Petron, subalit hindi lamang triple ang itataas ng kanilang kita.
Dahil dito, nais ng mambabatas na patawan ng buwis ang naidagdag na kita ng mga kumpanya ng langis imbes na ipasa ang dusa sa mamamayan.
“The crisis may be global in origin, but the burden is being dumped on Filipino families. Under oil deregulation, the ‘Big 3’ can jack up pump prices overnight based on global speculation—even while selling older inventory bought at lower costs—then the government piles VAT and TRAIN excise taxes on top. Hindi dapat singilin ang mamamayan para sa digmaang hindi naman nila ginawa,” ani Tinio.
Lalong kailangan aniyang patawan ng buwis ang windfall profit ng mga oil companies upang magamit sa pagtulong sa mga sektor na labis na maaapektuhan sa pagsirit ng presyo ng langis sa lokal na merkado.
“If government needs funds for services and infrastructure, then tax the excess profits of those profiteering from disaster—not the daily consumption of workers,” dagdag pa ni Tinio.

Share.