Naniniwala si Danny Green, may tatlong panalo sa NBA, na mahalaga parin daw ang pagkapanalo sa laro kaysa sa pagkakaroon ng record.
Ito’y matapos kamakailang magpakitang-gilas si Bam Adebayo ng Miami Heat sa isang 83-point game laban sa Washington Wizards, na naglagay sa kanya bilang No. 2 NBA all-time single-game scoring list, kasunod lamang ni Wilt Chamberlain na may 100 points, at nauuna kay Kobe Bryant na nakapuntos ng 81 noong 2006.
“I think it’s more important than records for me. Records are cool. They’re there for a reason. They’re meant to be broken,” ani Green sa isang panayam.
Binigyan din niya ng credit si Adebayo sa kanyang kamangha-manghang performance. “I don’t think anybody thought that record would ever be broken, especially by who it was. But I give a lot of credit to Bam. He went out there and he balled out,” dagdag niya.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

