Opisyal na nagretiro sa paglalaro ng basketball si NBA star Dwight Howard.
Sa kaniyang social media post ay inanunsiyo nito ang paglalaro sa NBA ng halos 20 taon.
Dagdag pa ng Basketball Hall of Famer na mayroon pa sana itong natitirang nais na ibahagi subalit kailangan ng mag-move-on.
Mula pa noong 2022 ay hindi na ito naglaro sa NBA na ang huli ay sa Los Angeles Lakers.
Naglaro na rin ito sa Taoyuan Leopards sa Taiwan noong 2023.
Taong 2025 ay itinanghal siya bilang Pro Basketball Hall of Fame.
Nakatakda itong maglabas ng kaniyang documentary tungkol sa kaniyang buhay.
Nagsimula ang career ni Howard sa Orlando Magic matapos mapili sa 2004 NBA Draft kung saan pinili niyang maging pro matapos ang high school.
Matapos ang walong season ay lumipat ito sa mga koponan gaya sa Lakers, Houston Rockets, Atlanta Hawks, Charlotte Hornets, Washington Wizards at Philadelphia 76ers.
Walong beses itong nakasama sa All-Star at nagwagi ng NBA Championships sa Lakers noong 2020.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

