Nasawi ang dalawang katao at tatlo ang sugatan nang bumagsak ang isang sibilyang helicopter sa Upper Barak, Quisao sa bayan ng Pililia, Rizal 7:27 ng umaga nitong Martes, March 3, 2025.
Ayon sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad limang pasahero ang sakay ng helicopter kabilang ang dalawang dayuhan. Dalawa ang kumpirmadong nasawi at tatlo ang nasugatan
Mabilis naman ang naging pagresponde ng mga emergency responder at ng mga kapulisan sa lugar ng pinagbagsakan ng helicopter at agad na dinala sa pagamutan ang mga nasugatan at dalawang pasyente ang kasalukuyang ginagamot ngayon sa Rizal Provincial Hospital sa Morong, habang ang isa naman dinala sa Rizal Provincial Hospital sa Binangonan.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng isang helicopter.
Ayon sa CAAP, patungo sana ang helicopter sa Quezon Province mula sa Maynila nang maganap ang aksidente.
Nangako naman ang ahensya na maglalabas ng karagdagang detalye sa oras na makumpleto ang paunang pagsusuri.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang pangyayari sa likod ng trahedya.
Wala namang bahay na nadamay sa pagbagsak ng eroplano.
Trending
- Karl Eldrew Yulo sa 2 events sa Gymnastics World Cup
- MISS CALOOCAN 2026, KINORONAHAN IKA-64 ANIBERSARYO
- Estudyante wanted sa ‘Anti- Sexual Abuse’ timbog
- Helikopter bumagsak sa Rizal: 2 patay, 3 sugatan
- Alex Eala nakakuha ng bye sa unang round
- Giannis bumalik tinalo ng Celtics ang Bucks
- Canino ng La Salle at YbaƱez ng UST, nagpapalakas
- Mga Pinay, pupunta sa Gold Coast para makabawi vs South Korea

