Si Nixon Curioso ay nakatakdang lumahok sa III Open Internacional de Ajedrez sa Alicante, Spain mula Nobyembre 8 hanggang 16, 2025.
Ang dating Inter-Collegiate Gold Medallist noong kanyang mga araw sa kolehiyo na naglalaro para sa varsity chess team ng Philippine Christian University ay may misyon na maging susunod na Filipino FIDE Master.
“Umaasa akong makakuha ng ilang ELO rating points bukod pa sa pagkuha ng titulong FIDE Master,” sabi ni Curioso, ang ipinagmamalaki ng Cavite, na naglalaro para sa IIEE-PSME Quezon City Simba’s Tribe ng PCAP event.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., International Master Jose Efren Bagamasbad at National Master Almario Marlon Bernardino Jr. na nagsilbing coach at trainer ng PH chess team. (Marlon Bernardino)
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

