Si Paolo Gallito ng Mandaluyong City ang nagwagi sa Efren “Bata” Reyes Yalin 10-Ball Championship.
Tinalo niya si Lee Vann Corteza ng Davao City sa iskor na 13-12 sa kapanapanabik na final na ginanap sa Pacman’s Cue Club, Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City noong Sabado, Agosto 30, 2025.
Ito ang kanyang unang malaking tagumpay.
“Sobrang saya ko – hindi pa rin ako makapaniwala na kampeon ako sa Philippine International Open. Ipinagmamalaki kong dalhin ang tropeong ito,” sabi ng 25-taong-gulang na si Gallito.
‘Mahirap na laban ito. Ang final na ito ay isang bagay na hindi ko malilimutan. Si Lee Vann Corteza ay isa sa pinakamagaling sa buong mundo,’ dagdag pa niya.

Patungo sa finals, tinalo ni Gallito si Bryan Paco, 11-5, upang itakda ang laban para sa titulo laban kay Corteza, na nagpabagsak kay Oliver Villafuerte, 11-8.

Dahil sa natamong tagumpay ay nabulsa ni Gallito ang P1 million, habang tinangap naman ng runner-place na si Corteza ang P300,000.

Pinahintulutan ng Games and Amusement Board (GAB) na pinamumunuan ni Atty. Francisco Rivera, suportado ni Senator Manny Pacquiao at inorganisa ng International Billiards and Snooker Champion na si Kap. Marlon Manalo. (Marlon Bernardino)

Share.