Nakauwi na ng Pilipinas ang 14 na Filipino seafarers na sakay ng MV Century Royal na ni-raid ng mga pirata sa Port-au-Prince Anchorage, Haiti.
Kabilang ang mga ito sa 18 tripulanteng Pinoy na sakay ng naturang barko kung saan may dalawa pang Pilipino ang nawawala.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Migrant Workers (DMW), bukod sa tulong-pinansyal, bibigyan din ng physical at psychological support ang mga umuwing Pinoy seafarer.
Tiniyak naman ng DMW na nagpapatuloy ang negosasyon para sa paglaya ng mga natitira pang bihag na Pinoy crew.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

