Isang negosyante na sangkot sa pagre-recruit ng mga massage therapist para sa home-service operation na nag-aalok ng “extra services” ang naaresto sa Angeles City, Pampanga.
Ang suspek na isang 36-anyos na babae at nakatala bilang Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A, ay naaresto sa Barangay Malabanias nitong Setyembre 29.
Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang babae ay sangkot sa 10 warrant of arrest na inisyu ng mga korte sa Mandaluyong, Calamba, Bacoor, Pasay, at ParaƱaque para sa illegal recruitment, qualified trafficking, qualified trafficking in persons, estafa, at mga paglabag sa Securities Regulation Code.
Ayon sa CIDG, ang suspek at ang kanyang mga asabwat ay nag-recruit ng mga indibidwal sa Calamba City noong 2024 upang magtrabaho bilang mga home-service massage therapist.
Napag-alaman sa mga awtoridad na ang mga massage service ay sinasabing may kasamang alok na “extra services.”
Sinabi ng CIDG na ang pag-aresto ay bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mahanap ang mga wanted person at panagutin ang mga akusado ng trafficking at iba pang mga pagkakasala.
Ang naarestong suspek ay na nasa kustodiya ng CIDG ay haharap sa mga korte na nag-isyu ng mga warrant.(Danilo Gravador)

