“Salamat at naalala mo si Jazz,” pahayag ni Dennis Trillo sa kanyang social media post, na tila tumutukoy sa kapwa aktor na si Patrick Garcia, matapos nitong aminin na naging pabaya siya sa kanyang pinansyal na obligasyon sa anak nila ni Jennylyn Mercado.
Sa panayam kay Ogie Diaz, itinanggi ni Garcia ang mga paratang na iniwan niya si Mercado habang buntis ito kay Jazz. Aniya, sinubukan pa niyang makipag‑ugnayan at nag‑alok na samahan si Mercado sa mga maternity checkup.
Gayunman, inamin niyang nasa ibang bansa siya nang isilang si Jazz. Dagdag pa niya, hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataong personal na makita ang anak sa mga nakaraang taon, o makapagbigay ng pinansyal na suporta para sa mga pangangailangan nito.
Si Mercado ay kasal na ngayon kay Trillo, at mayroon silang apat na taong gulang na anak na si Dylan. Legal ding inampon ni Trillo si Jazz bilang sariling anak.
Kasunod ng mga pahayag ni Garcia, nagbahagi si Trillo ng mensahe sa kanyang Instagram Story noong Miyerkules, Setyembre 30:
“Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil na‑bash ang anak mo. Spread Love not Hate ,” sulat ni Trillo.

