Inanunsyo ni Tarlac City Mayor Susan Yap na magbibigay ang Pamahalaang Probinsya ng Tarlac ng pabuyang P100,000 sa sinumang makakatukoy ng kinaroroonan ng huling nawawalang biktima mula sa bumagsak na Agana Bridge sa Tarlac River noong Agosto 29.
Sa Facebook post ni Yap noong Miyerkules, Setyembre 9, humihingi na ng tulong ang Tarlac City para matukoy at mahanap ang nawawala pa ring si Paul Harvey Collado.
“Nakikiusap po tayo sa lahat ng barangay, kalapit na mga munisipalidad, mga karatig na probinsya, concerned agencies, at publiko na manatiling mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam ang anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ni Paul Harvey,” panawagan ni Yap.
Dagdag pa ng alkalde, lahat ng impormasyong matatanggap nila ay mahalaga kaya sa anumang leads, narito ang contact numbers na maaaring tawagan:
CDRRMO: 0921-930-0047
PDRRMO: 0908-887-2339
Sa deskripsyon ni Collado batay sa Tarlac City Facebook post, siya ay may tangkad na 5.5 ft., itim na buhok, at nakasuot ng puting shirt, asul na blazer, at itim na shorts.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

