Limang katao ang naiulat na nasawi, habang 42 iba pa ang nailigtas matapos magliyab ang isang pampasaherong barko na may sakay na higit 100 pasahero mula Maynila sa karagatang sakop ng Coron noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jane Gesulgon, district commander sa Palawan, ang komersyal na barkong MV Jun Aster ay umalis mula Baseco sa Maynila at patungo sana sa Coron, Palawan nang lamunin ito ng apoy bandang 6:45 p.m.
Batay sa manifest, mayroong 117 pasahero at 17 crew ang sakay ng barko.
Naganap ang insidente sa karagatang humigit-kumulang 1.2 nautical miles hilagang-silangan ng Barangay Marcilla sa Coron.
Agad kinontak ng PCG ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Turda, CGSS Tara, Bureau of Fire Protection (BFP) Coron, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Coron, Local Government Unit (LGU) ng Coron, at mga shipping line na nakadaong sa Port of Coron upang agad na maisagawa ang rescue at pagbibigay ng tulong.
Nag-deploy din ang PCG ng mga tauhan mula sa Maritime Environmental Protection Unit (MEPU) Northeastern Palawan at Coast Guard Special Operations Group (SOG) upang magsagawa ng pagsagip at magbigay ng tulong sa mga sakay.
Sumaklolo agad BRP Suluan (MRRV-4406) mula Port of San Fernando, El Nido.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at hindi pa matukoy ang sanhi ng insidente. (Marianito Sandel)
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

