Pansamantalang ipinasara ng Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang isang speakeasy bar sa Esteban Abada Street, Barangay Loyola Heights.
Ayon sa BPLD, ang pagpapasara ay dahil sa umano’y paglabag ng bar sa Revenue Code, Liquor Ordinance at Comprehensive Zoning Ordinance ng Quezon City.
Nabigo rin umano ang establisyimento na maipakita ang Fire Safety Inspection Certificate mula sa Quezon City Fire District.
Pinangunahan ni BPLD head Marge Mejia ang operasyon kasama ang mga city public order officials, Quezon City Fire District personnel at Quezon City Police District.
======

Share.