Umapela si Senate Majority Leader Migz Zubiri sa publiko na unawain ang kasalukuyang medical leave ni Senadora Loren Legarda.

Aniya, sumasailalim umano sa gamutan si Legarda para sa sakit sa baga.

Ayon pa kay Zubiri, umiinom ng matapang na gamot si Legarda at kasalukuyang sumasailalim sa ilang medical tests sa ibang bansa.

“She wants to come home as soon as possible… tatapusin lang niya ‘yung tests,” pahayag ni Zubiri.

Naka-medical leave sa ibang bansa si Legarda simula pa noong Agosto 3. 

Share.