Muling naging sentro ng atensiyon si Japanese tennis star Naomi Osaka dahil sa inirampa na namang kakaibang fashion statement bago ang kanyang unang laban sa US Open 2026.

Bago harapin ang unseeded Russian na si Anastasia Zakharova nitong Lunes, pumasok si Osaka sa Arthur Ashe Stadium suot ang isang hooded tunic na may patchwork-style panels at pinalamutian ng mga press clipping mula sa kanyang mga nakaraang tournament appearance.

Kinumpleto niya ang kanyang look ng isang puting tulle train.

Hindi nabigo ang four-time Grand Slam champion na muling makatawag ng pansin sa kanyang outfit, bagay na naging bahagi na ng kanyang image ngayong season.

Sa Wimbledon, nagbigay-pugay siya sa kanyang Japanese heritage gamit ang kimono-inspired ensemble na may tradisyonal na kanzashi hair ornament bago nagpalit sa puting Nike playing kit.

Samantala, sa Roland Garros, dumating siya sa court suot ang black Kevin Germanier skirt at isang layered yellow, brown at gold outfit na inspired ng kislap ng Eiffel Tower pagsapit ng gabi.

Sa Australian Open naman, jellyfish ang naging inspirasyon ng kanyang outfit.

Sa kanyang unang laro naman sa Flushing Meadows, basketball ang tema ng kanyang kasuotan, na inspirasyon sa NBA Hall of Famer na si Allen Iverson.

Ani Osaka, tribute niya kay Iverson ang kanyang outfit.

“I really like him a lot,” ani Osaka.

Dagdag pa niya, mahilig siyang mag-express ng kanyang sarili sa pamamagitan ng pananamit at natutuwa siyang naa-appreciate ito ng fans.

Samantala, agad namang ipinakita ni Osaka ang kanyang bangis sa court matapos siyang rumatsada sa 4-1 lead laban kay Zakharova.

Matapos ang kanyang unang panalo, haharapin ni Osaka sa second round si Katerina Siniakova ng Czech Republic.

 

Share.