Pinuna ng ilang netizens sina Pampanga Governor Lilia Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, at San Fernando Mayor Vilma Balle-Caluag matapos kumalat ang kanilang mga larawan habang iniinspeksyon ang mga lugar na naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Pampanga.
Tanong tuloy ng mga netizens, “Flood inspection ba ito o fashion week? Habang ang mga tao ay binabaha at nawawalan ng gamit, masakit makita na branded outfits ang napapansin sa mga opisyal. Hindi namin kailangan ng porma kailangan namin ng tunay na flood control, ayuda, at pananagutan.”
Sa mga post online, napansin ng publiko ang umano’y branded outfits ng mga opisyal at binanggit ng ilang netizens ang Balmain, Prada, Burberry, at iba pang designer labels.
Anila, hindi naman bawal magsuot ng mamahaling damit pero sa gitna ng baha, evacuation, pinsala, at hirap ng mga residente, mas nagiging sensitibo ang publiko sa hitsura at mensahe ng mga opisyal.(BTatlonghari)
 
Share.