Humupa na ang baha sa ilang bahagi ng Bataan, ngunit ang ibang bayan ay nananatiling lubog dahil sa malakas na ulan na dala ng Habagat hanggang kahapon.
Sinabi ng Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang mga lugar na binaha ay nananatili sa Dinalupihan, Orani, Pilar, Abucay, at Hermosa.
Isa sa matinding nakaranas ng pagbaha ay ang bayan ng Hermosa kung saan, ang ilang mga barangay ay nananatiling lubog sa tubig at ang mga residente ay naglalakbay sa mga binahang kalsada gamit ang bangka.
Sinabi ng PDRRMO na ang ilang lugar sa Hermosa ay mas matagal bago makabangon sa pagbaha dahil nagsisilbi itong catch basin ng tubig na nagmumula sa ibang lalawigan.
Ayon kay Mark Rafael Ramos, chief ng Operations and Warning Division, na ang Hermosa ay catch basin ng mga tubig na nanggagaling sa Pampanga, Zambales, na dito lahat bumababa lalo sa barangay Almacen. 
Sa kabila ng unti-unting pagbaba ng tubig-baha, nasa 1,400 pamilya o mahigit 5,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center sa buong Bataan.(Bruno Tatlonghari)
Share.