LIMA pang katao ang nasawi at apat ang nananatiling nawawala sa magkakahiwalay na insidente sa Gitnang Luzon matapos ang ilang araw ng walang tigil na Habagat na nagdulot ng pagbaha, landslide, at malalakas na agos ng tubig.
Dahil ditto, mabot na sa 16 ang kabuuang bilang ng nasawi sa loob lamang ng isang linggo.
Natagpuan ang bangkay ng buntis na Aeta na si Arryn Paanan Liwanag
Gayunman, isang buntis na ginang ang payapang nanganganak sa loob ng police mobile car sa gitna ng pagbaha sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw, Agosto 30.
Sa ulat mula kay PLt. Colonel Melvin M Florida Jr, hepe ng Meycauayan City Police Station, na ipinadala kay PColonel Jay Baybayan, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), bandang ala-1:00 ng madaling araw, habang nagsasagawa ng traffic assistance at monitoring ang tauhan ng pulisya sa mga lugar na naapektuhan ng baha sa Barangay Banga, Meycauayan City ay nilapitan sila ng isang lalaki na humihingi ng tulong para sa buntis na asawa, na malapit nang manganak.
Dahil sa mataas na tubig baha at kawalan ng magagamit na transportasyon, agad na isinakay ng mga rumespondeng pulis ang buntis at ang kanyang mister sakay ng police mobile car para dalhin sa ospital.
Samantala, hindi bababa sa lima pang katao ang nasawi at apat ang nananatiling nawawala sa magkakahiwalay na insidente sa Gitnang Luzon matapos ang ilang araw ng walang tigil na Habagat na nagdulot ng pagbaha, landslide, at malalakas na agos ng tubig. Umabot na sa 16 ang kabuuang bilang ng nasawi sa loob lamang ng isang linggo.
Natagpuan ang bangkay ng buntis na Aeta na si Arryn Paanan Liwanag, 26, sa Mapanuepe Lake, San Marcelino nitong Linggo, apat na araw matapos tumaob ang bangka ng 13 Aeta.
Kabuuang 9 ang nasawi sa insidente, habang apat ang nakaligtas.
Dalawang bata — Chandnea Serrano Dela Cruz, 3 at Anqelito Serrano Liwanag, 8 — natagpuan noong Sabado.
Dalawang lalaki rin ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Zambales.
Dalawang manggagawa ang namatay nang matabunan sa landslide sa Tipo High-Tech Park, Subic Bay Freeport nitong Sabado.
Natagpuan ang bangkay ng 3-taong gulang na batang lalaki sa Subic Bay Boardwalk nitong Linggo, matapos tangayin ng baha sa Old Cabalan.
Sa Pampanga: Si Reiner Novero, 25, nalunod matapos mahulog sa binahang kanal sa Angeles City; natagpuan ang bangkay 2 km downstream.
Isang 70-taong gulang na Aeta ang namatay sa landslide sa Porac nitong Biyernes.
Sa Tarlac City: Apat ang nawawala matapos mahulog ang isang SUV sa ilog nang bumagsak ang Agana Bridge nitong Sabado ng gabi.
Nailigtas si Nathaniel Dion, 20, habang patuloy ang paghahanap sa apat pang nawawala.
(Danilo Gravador)

