Dalawa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa nangyaring landslide sa Tipo High-Tech Park, Subic Bay Freeport Zone sa Zambales nitong Sabado, Agosto 29, 2026.

Ayon sa ulat, isang Filipino at isang Chinese national ang kabilang sa mga nasawi, habang dalawa naman ang sugatan sa insidente.

Kinilala ang mga nasawi na si Peng Jiahan, isang Chinese national at sales and marketing supervisor ng Fubong Environmental Technology, at Ernesto Ramos, driver ng dump truck. 

Samantala, patuloy na nilalapatan ng lunas sa James L. Gordon Memorial Hospital ang dalawa pang biktima.

Sa pahayag ni SBMA VP, Deputy Administrator for Public Affairs Armie Llamas, agad silang nagsagawa ng verification at emergency response kaugnay ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong sitwasyon at makapagsagawa ng mga hakbang para maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na epekto.

Ayon pa sa SBMA, magbibigay sila ng mga update sa insidente habang nagpapatuloy ang assessment. | (DGravador)

 

Share.