Bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa bagong record low na ₱62.22/USD, matapos magsara kahapon sa ₱61.888/USD. Ito ang pinakamahina nitong antas ngayong taon, dulot ng kombinasyon ng lokal at pandaigdigang salik na patuloy na nagpapabigat sa ekonomiya ng bansa.
Ang mga dahilan ng pagbagsak ay Inflation Risks.
Tumaas ang forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa 2027 dahil sa epekto ng El Niño at pagtaas ng sahod.
Gayundin ang Global Factors.
Malakas ang US dollar bunsod ng mataas na interest rates ng US Federal Reserve.
Kasama rin ang presyo ng Langis dahil patuloy na mataas ang imported oil, dagdag pasanin sa ekonomiya.
May pangamba sa inflation outlook kaya patuloy ang pressure sa piso.
Pero, pabor ito sa OFWs dahil mas maraming piso ang makukuha ng mga pamilya mula sa remittances, ngunit maaaring kainin ng inflation ang dagdag na halaga.
Taliwas ito sa importers dahil mas mahal ang mga inaangkat na produkto gaya ng pagkain at langis, dagdag sa inflationary pressure.
Tataas ang production costs ng mga kumpanyang umaasa sa imported raw materials.
Kahit may rollback sa presyo ng diesel, nababalewala ang ginhawa dahil sa mas mahal na importasyon.

