Kinumpirma ng Manchester Airport Group (MAG) na tinarget ng isang cyber security breach ang tatlong pangunahing paliparan sa United Kingdom: Manchester Airport, London Stansted, at East Midlands Airport.
Tinatayang 8.7 milyong customer ang naapektuhan matapos ma-access ang kanilang personal na datos.
Ang mga pangunahing nakuhang data ay mga email addresses mula sa terminal wifi registrations.
Kasama rin ang phone numbers, vehicle registration numbers, at postcodes na kaugnay ng airport bookings.
Hindi nadamay aang banking at payment details.
Tiniyak ng MAG na hindi nalagay sa panganib ang passenger safety o aviation security.
Nanatiling normal ang flight schedules at terminal operations sa lahat ng tatlong paliparan.
Patuloy ang serbisyo sa parking, lounge, at fast track bookings.
“Agad naming na-contain ang risk at nakipagtulungan sa mga espesyalistang adviser upang protektahan ang aming customers at systems,” ayon sa tagapagsalita.
Dagdag pa: “Neither MAG nor the system accessed hold customers’ bank or payment details. The data that has been accessed includes customers’ email addresses, phone numbers, vehicle registrations and postcodes.”
Humingi ng paumanhin ang grupo at tiniyak na seryoso nilang pinangangalagaan ang seguridad ng impormasyon ng mga pasahero.

