Papunta na tayo sa exciting part!

‘Yan nga ang napi-feel ng mga faney nina Kim Chiu, Paulo Avelino, ha!

Eh kasi nga, sa isang banter sa ‘It’s Showtime’ tungkol sa mga status ng mga host, nabaling ang pansin kay Kim.

“Ay heto, gusto nating malaman. Status, Chiu!” sabi ni Vice Ganda.

At makikita nga si Kim na pulang-pula ang mukha, at masayang-masaya habang nag-iisip kung ano nga ang magandang status (ng buhay niya o ng love life niya ngayon).

“Marami man ang aking pinagdaanan, magiging sulit kung para sa iyo ang hantungan,” malumanay na chika ni Kim, na punong-puno ng pag-ibig at emosyon.

At siyempre, malalakas na tilian ang maririnig sa paligid, na halos magiba na ang katawan ni Kim sa pagtulak-tulak sa kanya ni Darren Espanto.

Kilig na kilig nga ang mga faney, mga host sa pahayag na `yon ni Kim.

“Parang nagtatawag na din. Nagtatawag. Oo, parang gusto nang magpa-kamfirm (confirm). Parang cheque sa banco, confirm mo naman! Hahahaha!

“Gusto ko ito! Hahaha!” sabi ni Vice Ganda.

‘Yun nga, ramdam na ramdam na ng mga faney na malapit na ngang umamin si Kim at Paulo sa kanilang relasyon.

Ang tanong, mangyari kaya `yon sa presscon ng pelikula nilang ‘A Perfect Marriage’ na kasalukuyang dinidirek ni Dan Villegas, at prodyus ng Quantum Films, na gusto ngang isali sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre 2026.

Sey tuloy ng mga faney…

“Oo na, panalo ka na Paulo Avelino. Limang letchon lang ang kaya ko.”

“Abot tenga ang ngiti ko. Napakasuwerte talaga ni Paulo kay Kimmy.”

“Keep the love burning KimPau.”

“Feel na feel ko na, papalapit na tayo sa tunay na exciting part.”
====

Share.