Hindi lamang si Alex Eala ang magdadala ng bandilang Pilipino sa nalalapit na 2026 US Open dahil isa pang manlalarong may dugong Pinoy ang nakatakdang sumabak sa prestihiyosong Grand Slam tournament.
Makikipagsabayan sa US Open Qualifying Draw ang Filipino-American tennis player na si Andre Ilagan matapos siyang makatanggap ng wildcard entry para sa qualifying tournament na gaganapin sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows, New York.
Si Ilagan, 25, ay tubong Honolulu, Hawaii at anak nina Sergio at Amefel Ilagan, mga first-generation immigrant mula sa Pilipinas.
Dahil dito, magiging unang manlalaro mula sa University of Hawaii men’s tennis program si Ilagan na makalalahok sa US Open.
Malaking oportunidad ito para kay Ilagan matapos ang kanyang kahanga-hangang pag-angat sa professional tennis.
Umabot siya sa career-high ranking na World No. 210 matapos ang sunod-sunod na pag-abot sa finals ng ATP Challenger events.
Bago ang kanyang professional career, gumawa na rin ng kasaysayan si Ilagan sa collegiate tennis.
Tinapos niya ang kanyang career sa University of Hawaii bilang men’s tennis player na may pinakamaraming parangal sa kasaysayan ng paaralan.
Trending
- Gilas Pilipinas Women natapos na ang kampanya sa FIBA Pre-Olympic Qualifying Tournament
- 1 pang Pinoy sasalang sa US Open
- Shaira Diaz nakiusap sa body shamers: ‘Grabe makalait’
- Proposal ni Dominic kay Bea, hinalungkat ng netizen
- Nadine Lustre aminadong bakla
- Sports car ni Derek Ramsay sasamsamin ng BOC
- Pulis, 2 gun dealers patay sa engkuentro
- 7.4M indibidwal apektado ng Habagat, Bagyong Luis at Maymay

