Muling nahalungkat ng mga netizen ang wedding proposal video ni Dominic Roque kay Bea Alonzo matapos mapansin na nananatili pa rin ito sa Threads account ng aktor.

Napansin ng ilang social media users na naka-post pa rin ang video kahit matagal nang hiwalay ang dating magkasintahan.

Kasalukuyan nang may kanya-kanyang buhay pag-ibig sina Dominic at Bea, kaya naman pinag-uusapan kung bakit hindi pa rin nito inaalis ang naturang post.

Ibinahagi ni Dominic ang video noong July 22, 2023, apat na araw matapos niyang sorpresahin ng marriage proposal si Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.

Sa caption ng aktor, tinawag niya noon si Bea na “My Forever” at nilagyan pa ito ng red heart emoji.

Makikita rin sa cover photo ng video ang dating magkasintahan na naghahalikan, habang naka-tag pa si Bea sa post.

Dahil dito, may ilang netizen na nang-uurot kay Dominic na baka panahon na para burahin niya ang nasabing video, lalo’t kasal na ngayon si Bea at may relasyon na rin siya kay Sue Ramirez.

May ilan ding nakaramdam para kay Sue dahil nananatili pa rin online ang ilang sweet moments ng aktor kasama ang kanyang dating fiancée.

Hindi lang ang proposal video ang napansin ng mga netizen dahil mayroon pa ring iba pang lumang larawan at video ni Bea sa Threads at Instagram account ni Dominic.

Gayunman, wala namang pahayag si Dominic kung bakit nananatili pa rin sa kanyang social media accounts ang mga lumang post nila ni Bea.

====

Share.