Diretsahang sinabi ni Nadine Lustre na kahit straight siya, may pagka-bakla rin daw siya.

Game na game si Nadine sa makulit na kuwentuhan sa “Dogshow Divas,” kung saan naging tampok ang kanyang pabirong pag-amin tungkol sa pagiging “beks” at ang bansag sa kanya na “President.”

“Puwede ka namang maging beks pero straight ka. Ganu’n din naman ako. A lot of people don’t know this, pero sobrang bakla din ako,” sey ng aktres.

Hindi na pinalampas ni Baus ang pagkakataon at tinanong si Nadine kung top, bottom o versa siya.

Agad namang sinagot ito ng aktres sa kanyang sariling nakakatawang interpretasyon.

“Gusto natin ’yung mga top,” biro niya, dahilan para mapuno ng tawanan ang kanilang usapan.

Nilinaw naman ni Nadine na para sa kanya, ang “top” ay taong mahusay o nangunguna sa ginagawa, kaya niya ito iniugnay sa mga taong nag-e-excel sa kanilang larangan.

Napunta rin ang usapan sa bansag na “President” na ginagamit ng kanyang mga fans.

Kuwento ni Nadine, nagulat siya nang una siyang tawagin nang ganoon ng mga writers habang bina-brief para sa isang appearance.

Nalaman niyang nagsimula ang bansag sa social media at mas naging malakas umano ang paggamit nito matapos ang kanyang naging pahayag tungkol sa kanyang live-in relationship.

Para kay Nadine, posibleng nagustuhan ng mga tao ang kanyang pagiging outspoken at ang pagkakaroon ng paninindigan sa mga bagay na itinuturing niyang tama.

Nang tanungin naman kung ano ang una niyang gagawing executive order kung sakaling maging presidente, mabilis siyang sumagot ng, “Poppers para sa lahat.”

Humagalpak sa tawa ang hosts sa sagot ni Nadine, na ipinaliwanag niyang naisip niya dahil marami siyang kaibigang bakla.

“I’m surrounded by gays and I love it,” ani niya.
======

Share.