Umakyat na sa 7.4 milyon indibidwal o 2.1 milyong pamilya ang apektado ng epekto ng Habagat, at mga Bagyong Luis at Maymay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Sabado, Agosto 22.
Ang mga apektado ay mula sa Regions I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, National Capital Region, at MIMAROPA.
Nananatili sa 29 ang bilang ng mga nasawi, 19 ang nasaktan at tatlo ang nawawala.
Sa mga nasawi, 15 ang mula sa Benguet, tig-apat sa Rizal at Batangas, dalawa sa Caloocan, at tig-iisa sa La Union, Quezon, Oriental Mindoro, at Negros Occidental.
Nasa evacuation center pa rin ang 40,600 indibidwal o 11,900 pamilya.
Mayroon namang 2,300 tirahan ang nagtamo ng pinsala kung saan 2,057 ang partially at 269 ang totally damaged.
Umabot sa P4.7 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura habang ang agricultural losses ay naitala sa P1.7 bilyon.
Samantala, mayroong 89 lugar ang inilagay sa state of calamity. Ito ay ang
• Dagupan: 1
• Pangasinan: 4 (Santa Barbara, Mangaldan, Bugalio, Mangatarem)
• Benguet: 1 (La Trinidad)
• Bataan: 12 (province-wide)
• Bulacan: 24 (province-wide)
• Pampanga: 21 (province-wide)
• Zambales: 1 (Masinloc)
• Rizal: 1 (Rodriguez-Montalban)
• Cavite: 23 (province-wide)
• Batangas: 1 (Nasugbu)
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

