Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampubliko at pribadong elementary at secondary school sa buong bansa na magsagawa ng sabay-sabay na safety drill para sa active attack incidents sa Agosto 25, alas-9 ng umaga.
Ayon sa DepEd, dapat gumamit ang mga eskuwelahan ng kanilang localized contingency plans at kailangang gumawa, magsuri o mag-update ng School Contingency Plan for Active Attack Incidents.
Dapat din umanong ibahagi ang naturang na-update na plano sa lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP) at Parent-Teacher Association (PTA).
Kabilang sa mga kailangang paghandaan ang: double-locking mechanisms at iba pang classroom security measures; safe rooms at evacuation routes; family reunification areas; emergency communication procedures; at information and education materials.
Bukod dito, kailangang makipag-ugnayan ang mga eskuwelahan sa PTA, LGU, PNP, Bureau of Fire Protection at local disaster risk reduction and management offices para sa pagsasagawa nito.
Dapat ding may kinatawan mula sa emergency response agency o iba pang stakeholder na magsisilbing external evaluator ng drill.
Binigyang-diin ng DepEd na dapat isaalang-alang ang kaligtasan at psychological well-being ng mga estudyante, guro at non-teaching personnel, gayundin ang mga simulation na angkop sa edad ng mga mag-aaral at trauma-informed.
Samantala, kailangan namang ipaalam sa kanilang division disaster risk reduction and management coordinator at magsumite ng alternatibong iskedyul ang mga eskuwelahan na hindi makakapagsagawa ng drill sa Agosto 25.
Layunin ng nationwide drill na mapalakas ang kahandaan, mabilis na pagtugon at koordinasyon ng mga eskuwelahan sakaling magkaroon ng aktwal na banta o insidente ng karahasan sa loob ng campus, ayon pa sa DepEd.
Trending
- PSC palalakasin ang batang lifters sa Zambo
- Wesley So nagbulsa ng P5.4M sa Sinquefield Cup
- Ai Ai at JM, binaha, kumanta na lang
- Michelle Dee, hindi magpapaawat sa Queen of the Islands!
- Showbiz “sumawsaw” sa baha
- ‘Missing’ DepEd officer natagpuang naagnas sa damuhan
- PNP-HPG NCR chief, 12 tauhan sinibak
- DepEd ikakasa nationwide safety drill laban sa school attack

