Muling sasabak si Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.
Naghahanda na ang national team para sa mahahalagang laban kontra Jordan at Iran ngayong buwan.
Kinumpirma ni Gilas head coach Tim Cone na nakasama na sa training si Sotto matapos niyang ayusin ang kanyang schedule sa Koshigaya Alphas sa Japan upang maging available para sa national team.
“We had our first day of practice and it was great especially because Kai joined us in practice and is taking a break from his schedule to play for us in the Window,” ani Cone sa isang Viber message sa Fastbreak.
Ayon kay Cone, do-or-die situation ang nalalapit na qualifying window para sa Gilas at malaking tulong ang desisyon ni Sotto na tumugon sa panawagan ng national team.
“As we have said, it’s a do or die situation and we’re extremely happy that he responded to the call. No doubt, he’s a game-changer for us. I already feel like a better coach with him in the fold,” pahayag ng coach.
Hindi pa tiyak nitong mga nakaraang linggo kung makakasama si Sotto sa Gilas dahil sa kanyang mga obligasyon sa club team sa Japan.
Ngunit ngayong nakumpirma na ang kanyang availability, magkakaroon si Cone ng isa pang malaking opsiyon sa frontcourt.
Matatandaang inamin kamakailan ni Cone na kinailangan nilang muling hugutin si June Mar Fajardo dahil sa kakulangan ng players ng national team.
Magreretiro na sana si Fajardo sa Gilas ngunit napilitan itong ipagpaliban.
Hindi kasi makakapaglaro sina Mike Phillips at Quentin Millora-Brown, habang hindi pa tiyak noon ang availability ni Sotto.
Dahil dito, si AJ Edu na lamang ang natitirang lehitimong sentro ng Gilas sa roster.
Idagdag pa raw na kailangan na kailangan din ng Gilas ang tagumpay laban sa Jordan at Iran upang manatili sa asam na puwesto sa World Cup.
Ani Cone, naoperahan si Millora-Brown sa likod habang ikakasal naman ang kapatid ni Phillips kaya hindi sila makakalaro.
May 10 araw ang Gilas para maghanda bago ang qualifying window, kung saan karamihan sa mga manlalaro ay nakapag-report na para sa training.
Inaasahan din ni Cone ang pagbabalik ni Justin Brownlee mula Estados Unidos sa lalong madaling panahon.
=====
Trending
- SGA wagi vs Japan sa 2026 William Jones Cup
- Kai Sotto maglalaro muli para sa Gilas Pilipinas
- Netizens, unli-reax sa pagkaka-tie nina Pokwang at Ruby Ruiz sa Cinemalaya 2026 best actress
- Ruru, nag-emote kay Bianca
- Atasha, sinabihang ‘hilaw’ at ‘supot’ sa musical play
- Film director timbog sa child abuse
- KOTONGERO DINAMPOT SA NAVOTAS
- HOME OWNER ASSOCIATION’S PRESIDENT TINODAS

