Nilinaw ng Commission on Elections ang mga kumakalat na balita na hindi matutuloy ang Parliamentary Election sa September 14 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kasabay nito, tiniyak ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na tuloy ang naturang halalan dahil hindi aniya sapat na basehan ang postponement sa nangyaring ambush kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua dahil isolated case lang ito.
Aniya, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ay may natukoy na ang mga awtoridad na limang persons of interests at sa susunod na mga araw ay posibleng may maaresto na.
Wala rin plano na isailalim sa Comelec control ang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ngayong election period sa kabila ng nangyaring pag-ambush.
Kumpiyansa ang Comelec na sa ngayon ay kontrolado nila ang sitwasyon dahil sa tulong ng Armed Forces of the Philippines para sa pagbabantay ng seguridad.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

