“Baka last interview natin ito, ipagdasal niyo na lang.”
Ito ang kapwa pahayag nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at public prosecutor at Manila Rep. Joel Chua bago ang inaasahang paglabas ng guidelines ng Impeachment Court kaugnay sa pag-iinterbyu sa mga sangkot sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
Hindi naman ipinaliwanag nina Kapunan at Chua ang dahilan ng kanilang pahayag, ngunit sinabi nilang nakatakdang linawin ni Impeachment Court presiding officer Francis “Chiz” Escudero ang mga panuntunan kaugnay ng sub judice rule.
“Well, ililinawin ng presiding justice Chiz kung anong ibig sabihin ng subjudice,” ani Kapunan.
Samantala, ipinaliwanag ni Chua na ang kanilang pagharap sa media ay bahagi umano ng kanilang tungkulin na ipaliwanag sa publiko ang mga nangyayari sa impeachment proceedings.
“Kasi itong impeachment h public interest ito eh. Hindi naman ito kagaya ng mga ordinaryong court proceedings so ang ginagawa lamang namin, ipinapaliwaang natin sa mga kababayan natin kung ano ba talaga ang nagyayari sa loob ng impeachment court, dahil lalong lalo na ngayon naglipana na ang mga fake news,” ani Chua.
Isa sa mga halimbawa, ayon kay Chua, ang naging isyu sa kanilang kasamahan sa prosecution team na si Akbayan party-list Rep. Chel Diokno, na umano’y naging biktima ng isang spliced video.
“So kami nandirito kami para at least yung mga kababahayan natin yung malaman nila kung anong talag nangyayari nang sa ganun, hindi sila na malilinlang. Kaya sana ang pakisuyo namin sa ating presiding officer na sana pagbigyan kami ng pagkakataon na maipaliwanag,” ani Chua.
Iginiit ng mambabatas na mahalagang maunawaan ng publiko ang impeachment trial dahil direktang nakapaloob dito ang interes ng sambayanang Pilipino.
“Dahil eto nga, uulitin natin, this is in view of public interest na ang dapat makaalam dito at maunawaan ay ang mamamayang Filipino,” dagdag pa ng mambabatas.
=====

Share.